Home METRO Shellfish ban sa E. Samar bay, nakataas pa rin vs red tide

Shellfish ban sa E. Samar bay, nakataas pa rin vs red tide

214
0

TACLOBAN CITY – Nanatiling ipinatutupad ang shellfish ban sa Matarinao Bay sa Eastern Samar matapos makumpirma sa laboratory tests ang patuloy na presensya ng red tide toxins, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Miyerkules.

Sinabi ng BFAR na nagpositibo sa saxitoxin ang mga shellfish na nakolekta mula sa baybayin ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo, na maaaring magdulot ng paralytic shellfish poisoning.

Hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at Acetes species o alamang mula sa naturang lugar. Nananatiling positibo sa red tide toxins ang Matarinao Bay mula pa noong unang bahagi ng Enero.

Pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwag manghuli, magbenta, o kumain ng shellfish at alamang mula sa mga apektadong katubigan.

“Fish, squid, shrimp, and crabs are still safe to eat if fresh and properly cleaned,” ayon sa BFAR regional office, at inirekomenda na alisin ang internal organs at hugasang mabuti ang seafood bago lutuin.

Ang Matarinao Bay ay kabilang sa apat na lugar sa bansa na nasa ilalim ng red tide alert, kasama ang baybaying bahagi ng Bolinao at Anda sa Pangasinan, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, at Tantanang Bay sa Zamboanga Sibugay. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here