Home METRO NPA leader timbog sa Laguna; mag-asawang rebelde sumuko sa CamSur

NPA leader timbog sa Laguna; mag-asawang rebelde sumuko sa CamSur

196
0

LAGUNA — Naaresto ng Philippine Army ang isang umano’y lider ng New People’s Army (NPA) na sangkot sa mga pag-atake laban sa mga kampo ng militar at pulisya sa Southern Luzon, habang isang mag-asawang lider ng mga rebelde naman ang sumuko sa Camarines Norte.

Ayon kay Major Frank Roldan, chief ng 9th Infantry Division Public Affairs Division, kinilala ang nadakip na si alyas “Ka Bhem,” na itinuturong sangkot sa mga pag-atake laban sa militar at pulisya sa Bicol at Southern Tagalog.

Aniya, naglay-low umano ito sa Sorsogon ngunit may natanggap silang impormasyon kaya nagsagawa sila ng koordinadong operasyon at natunton ang pinagtataguan nito sa isang residential area sa San Pedro, Laguna.

Samantala, sinabi rin ng Army na napasuko nila nang mapayapa ang isang mag-asawang rebelde sa Labo, Camarines Norte.

Upang ipakita ang kanilang sinseridad, isinuko nina alyas “Pots” at alyas “Sab” ang dalawang heavy machine gun — isang .30 caliber at isang M60.

Dagdag pa ng military, si alyas “Pots” ay isang commanding officer na namamahala sa mga combat operations habang si alyas “Sab” naman ay nagsisilbing propagandist at recruiter ng mga nais sumapi sa armadong pakikibaka laban sa gobyerno.

— Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here