Home METRO Kelot timbog sa pagbebenta ng ball python, online

Kelot timbog sa pagbebenta ng ball python, online

185
0

MANILA – Inaresto ang isang lalaki sa Pasay City matapos umanong magbenta ng live ball python online, na paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Isinagawa ng PNP Maritime Group ang entrapment operation noong Lunes sa isang public parking area sa Taft Avenue, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Narekober ng mga awtoridad ang isang backpack na naglalaman ng live ball python na nagkakahalaga ng ₱7,000. Nasamsam din ang mobile phone na ginamit sa online transaction, marked money, glass enclosure, at mga dokumentong ipinakita upang bigyang-katwiran ang pagmamay-ari ng hayop.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 at iba pang kaugnay na batas.

Nagbabala si PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na ilegal ang pagbebenta ng exotic wildlife, kabilang ang sa online platforms.

“Hindi po natin papayagan na gawing negosyo ang pagsira sa ating kalikasan. Wildlife trafficking is a serious offense, and we will act kapag may lumalabag sa batas. This operation shows that even small, seemingly quiet transactions are monitored and acted upon,” ani Nartatez.

Hinimok din niya ang publiko na ireport ang mga ilegal na transaksyon ng wildlife.

“Kung may alok na ganyan online, think twice – and report it. Ang proteksyon ng kalikasan ay responsibilidad nating lahat,” aniya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here