Home NATIONWIDE Pagkalos ng “give up” remarks ni Marcoleta sa CA records, suportado ni...

Pagkalos ng “give up” remarks ni Marcoleta sa CA records, suportado ni Lacson

208
0

MANILA, Philippines – Suportado ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang panawagang alisin sa records ng Commission on Appointments (CA) ang pahayag ni Sen. Rodante Marcoleta na nagmumungkahing “give up” ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group sa China.

Tinutukoy ni Lacson ang Resolution No. 099-016 of 2026 na inihain ng Municipality of Kalayaan, na nagpahayag ng matinding pagtutol sa naturang pahayag at humiling sa CA na alisin ito sa opisyal na records. Iginiit ng mga lokal na opisyal na hindi maaaring isuko ang anumang bahagi ng kanilang teritoryo at dapat itama ang anumang rekord na taliwas dito.

Sinabi ni Lacson na kinakailangan ang isang pormal na mosyon upang maalis ang naturang pahayag sa records.

“A motion to strike off the records of the CA is needed. A letter addressed to CA Chairman Senate President Vicente Sotto III through the CA Defense Committee Chairman will serve as a strong basis for such a motion,” ayon kay Lacson.

Ipinagtanggol naman ni Marcoleta ang kanyang pahayag, iginiit na ito ay naalis sa tamang konteksto sa pagdinig ng CA Committee on National Defense noong Pebrero 4. Gayunman, binalaan ni Lacson na maaaring mapahina ang posisyon ng Pilipinas kung mananatili ang naturang pahayag sa opisyal na records.

“Definitely because that remark came from a senator and it may weaken our position. It is better if it is removed from the CA’s records),” aniya.

“I’d like to believe Marcoleta did not mean what he exactly said, but his ‘give up’ remarks are on the record. How else can we interpret his statements, other than to give up the Kalayaan Islands to avoid trouble with China,” dagdag pa niya.

Binanggit din ni Lacson ang legal principle na “res nullius,” kung saan ang unang nakatuklas at sumakop sa isang lupain ang kinikilalang may-ari nito. Ayon sa kanya, ipinasa ni Tomas Cloma ang pagmamay-ari ng Spratlys sa pamahalaan ng Pilipinas, at kasalukuyang tinitirhan ito ng mga pamilyang Pilipino bilang bahagi ng Kalayaan Island Group sa ilalim ng hurisdiksyon ng Palawan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here