MANILA, Philippines – Inihayag ni Senator Bam Aquino nitong Huwebes na hindi siya tatakbo bilang Bise Presidente sa 2028 national elections.
“I will not run for Vice President in 2028,” ani Aquino sa isang Facebook post bilang tugon sa mga espekulasyon na maaari siyang maging running mate ni Vice President Sara Duterte sa darating na halalan.
Pormal na inanunsyo ni Duterte nitong Miyerkules ang kanyang planong tumakbo bilang Pangulo sa 2028 elections. Isa si Aquino sa mga kinokonsidera para sa mas mataas na posisyon sa nalalapit na halalan.
Nauna nang sinabi ni Senator Risa Hontiveros na maaaring ihayag ng oposisyon ang kanilang presidential candidate bago matapos ang taon o sa unang bahagi ng 2027.
Sinabi rin niya na bukas siya sa pagtakbo bilang Pangulo o Bise Presidente sa 2028 kung ito ang mapagkakasunduan ng united opposition. RNT