Home METRO Mag-utol, nilamon ng ilog

Mag-utol, nilamon ng ilog

133
0

MADDELA, Quirino — Pinaglalamayan na sa ngayon ang magkapatid na natagpuang wala nang buhay matapos maligo sa bahagi ng Governor’s Rapids sa Barangay Divisoria, Maddela, Quirino.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, pasado alas-otso ng gabi nang matanggap nila ang impormasyon tungkol sa pagkalunod ng magkapatid na edad siyam at 15-anyos na residente sa naturang lugar.

May nakakita sa magkapatid na nangunguha ng kahoy bago lumusong sa ilog upang maligo.

Hinihinalang unang nalunod ang nakababatang kapatid na sinubukang sagipin ng kanyang kuya, ngunit pati siya ay lumubog din.

Hanggang gabi ay puspusan ang isinagawang search and rescue operation para sa magkapatid.

Tumulong na rin ang ilang diver upang mahanap ang mga biktima na hinihinalang napunta sa malalim na bahagi ng ilog.

Ngunit nakitang palutang-lutang ang bangkay ng siyam na taong gulang na biktima noong Martes, Pebrero 16.

Habang kinabukasan, Miyerkules, Pebrero 17, ay bangkay na rin ang natagpuan sa ilog ang 15-anyos na biktima.

Samantala, ang Governor’s Rapids ay kilalang tourist spot o pasyalan sa lalawigan ng Quirino na dinarayo ng mga turista.

Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here