Home TOP STORIES Bacoor patuloy sa pag-unlad sa sipag ni Mayor Strike

Bacoor patuloy sa pag-unlad sa sipag ni Mayor Strike

120
0
Strike sa Serbisyo: Makikita sa larawan si Bacoor City Mayor Strike Revilla habang dinadalaw ang demolition site na magiging LRT extension kasabay ng pangangamusta sa mga residente. Nasa larawan din si Bacoor City PNP chief PLtCol Alexie Desamito.

MANILA, Philippines – Labis na nagagalak ang mga mamamayan ng Bacoor City, Cavite sa patuloy na magandang progreso ng lungsod.

Ito ay makikita sa mga netizen na taga-Bacoor City, Cavite sa pamamagitan ng mga Facebook Live ng kanilang alkalde na si Bacoor City Mayor Strike Revilla.

“Good job po, mabuhay ka po Mayor.” Ito ay ilan lamang sa mga makikitang paulit-ulit na komento ng mga residente ng Bacoor City.

“Salamat po sa inyong tiwala at pagmamahal. Kayo po na mamamayan ng Bacoor City ang aking inspirasyon,” pahayag ng alkalde.

Kahapon sa FB Live nito, labis na ikinasaya ng mga tao ang pagdalaw sa demolition site sa Barangay Zapote Uno na magiging bahagi ng LRT extension na mas magpapadali ng biyahe mula Kamaynilaan.

“Walang pagod. Walang arte. Kahit sa arawan o madungis na lugar, nakikita namin si Mayor Strike. Maging sa pakikiramay sa mga namatayan, laging maaasahan,” pahayag nina Harry at Gado na mga residente ng Bacoor. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here