Home METRO 77-anyos na lola natagpuang patay sa isang fishpond sa Pangasinan

77-anyos na lola natagpuang patay sa isang fishpond sa Pangasinan

161
0

PANGASINAN — Isa nang malamig na bangkay ang isang 77-anyos na babae nang matagpuang palutang-lutang sa isang fishpond sa bayan ng Bautista sa lalawigang ito kahapon, Pebrero 17.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang biyuda at residente ng naturang bayan.

Ang palutang-lutang na bangkay ay nadiskubre ng 47-anyos na caretaker ng fishpond kaya agad niya itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Nabatid na ang biktima ay nakararanas ng Alzheimer’s disease at madalas nitong tinatakasan ang pamilya upang maglakad-lakad sa kanilang barangay.

Sinabi rin ng kanyang pamilya na ang biktima ay umiinom ng gamot sa hypertension at pati na rin sa problema sa kanyang puso.

Huling nakita ang biktima na nasa loob ng kanilang bahay bandang ala-1:10 ng madaling-araw kahapon.

Sa isinagawang medical examination sa bangkay, walang nakitang visible signs of injury or wound ang Municipal Health Officer ng Bautista, Pangasinan.

Hinihinalang nahulog at nalunod ang biktima sa naturang fishpond. Rolando Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here