Home NATIONWIDE Mayor Robredo, pinakamalakas na posibleng makalaban ni VP Sara sa 2028 poll...

Mayor Robredo, pinakamalakas na posibleng makalaban ni VP Sara sa 2028 poll – solon

206
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Liberal Party stalwart at Caloocan Rep. Edgar “Egay” Erice na si Naga City Mayor at dating Vice President Leni Robredo ang pinakamalakas na posibleng makalaban ni Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential election.

Ginawa ni Erice ang pahayag nitong Huwebes, Pebrero 19, sa sidelines ng public consultation sa proposed Anti-Political Dynasty Law sa University of the Philippines-Cebu, kasunod ng maagang pag-anunsyo ni Duterte ng kanyang presidential bid.

“Sa ngayon wala pa po [kaming presidential candidate]. Ang sinasabi ng mga kasama namin mag-organize kami, and hopefully by the end of the year, we can come up with our candidate,” ani Erice.

“Pero sa aking pananaw,” dagdag niya, “Isa lang ang pwedeng panlaban kay VP Sara, walang iba yan kundi si dating VP Leni.”

Si Robredo, na sinundan ni Duterte bilang Bise Presidente, ay tumakbo bilang Pangulo noong 2022 ngunit natalo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kalaunan, nahalal siyang alkalde ng Naga City.

Sinabi ni Erice na may pagpipilian si Robredo kung makikipag-alyansa sa administrasyong Marcos o tatakbo nang mag-isa.

“Walang issue ng korapsyon kay VP Leni kaya lang magkakaroon ng dalawang school of thoughts dyan, whether we will coalesce with the administration or we will fight alone,” ani Erice.

“Para sa akin, we should fight alone,” dagdag niya.

Magkaalyado sina Marcos at Duterte noong 2022 elections ngunit nagkaroon ng public falling out pagkatapos nito, kung saan naging kritiko ng administrasyon si Duterte. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here