Home HOME BANNER STORY Gatchalian, nanawagan ng pagrerepaso sa mga patakaran sa pag-iingat ng baril matapos...

Gatchalian, nanawagan ng pagrerepaso sa mga patakaran sa pag-iingat ng baril matapos mapigilan school shooting plot sa Ilocos Norte

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian nitong Miyerkules na repasuhin ang mga patakaran sa pag-isyu, pag-iimbak at pag-access sa mga baril matapos mapigilan ang planong pamamaril ng tatlong menor de edad sa kanilang paaralan sa Batac, Ilocos Norte.

Binigyang-diin ni Gatchalian na dapat tiyaking ligtas na nakatago ang mga baril at hindi maaabot ng mga menor de edad. Aniya, kailangang maging responsable ang mga may-ari ng baril upang maiwasan ang hindi awtorisadong paggamit ng kanilang mga armas.

“Let us not wait for another incident of violence, whether inside or outside schools, before taking action,” ani Gatchalian.

Iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa kustodiya nito ang tatlong 16-anyos na estudyante matapos makatanggap ng impormasyon mula sa katapat nitong ahensya sa Estados Unidos, ang Federal Bureau of Investigation (FBI), tungkol sa plano nilang magsagawa ng pamamaril sa kanilang paaralan sa Disyembre 16.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, inamin ng isa sa mga menor de edad ang pagpaplano ng pamamaril kung saan mahigit limang estudyante ang tinukoy na posibleng target.

Narekober din ng NBI ang isang baril mula sa isa sa mga menor de edad na umano’y kinuha ito sa kanyang mga magulang matapos sabihing gagamitin bilang props para sa isang school project.

Muli namang iginiit ni Gatchalian ang pangangailangang palakasin ang mga hakbang upang maiwasan ang karahasan sa mga paaralan at tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here