Home METRO 2 patay, 4 naospital sa scaffolding na sumabit sa live wire

2 patay, 4 naospital sa scaffolding na sumabit sa live wire

156
0

ILOCOS NORTE — Dead on the spot ang dalawang lalaki samantalang apat na iba pa ang nasa ospital ngayon matapos silang makuryente habang nagtatrabaho sa isang under construction warehouse sa bayan ng Currimao sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ayon sa Currimao Municipal Police Station (MPS), ang dalawang nasawi ay edad 45 at 47, parehong walang asawa at residente ng naturang bayan.

Nasa ospital naman ang kanilang tatlong kasamang lalaki at isang babae, pawang nasa legal na edad at mga residente rin ng Currimao, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon, magkakatulong na binuhat ng mga biktima ang 4-layered scaffolding upang ilipat ng lugar nang bigla itong matumba at sumabit sa 3-phase primary line (live wire).

Dahil dito, nakuryente ang anim na biktima na ikinasawi ng dalawa sa kanila. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here