Home ENTERTAINMENT Eric, may request bago gibain ang Dolphy Theatre!

Eric, may request bago gibain ang Dolphy Theatre!

177
0

Manila, Philippines — Kasado na ang paggiba sa naibenta nang property sa ABS-CBN Compound sa Quezon City ngayong taon.

Kabilang dito ang Dolphy Theatre, named after his dad — ang Hari ng Komedya.

Ayon kay Eric Quizon, isa sa mga anak ng Comedy King, aware silang pamilya sa mangyayaring demolisyon.

By August nga raw ang schedule.

Pero ang alam ng actor-director, magtatayo pa rin ng Dolphy Theatre sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nais kasi sanang hilingin ni Eric na mapunta sa kanyang pamilya ang insignia na nakalagay sa labas ng teatro.

Mukha kasi ng yumaong ama ang nasa insignia.

Pero sagot daw sa kanya ni Cory Vidanes — isa sa mga ehekutibo ng istasyon: “Tingnan natin, baka gamitin din namin ’yon.”

Ang Dolphy Theatre ay ang venue na pinagdarausan ng mga events ng ABS-CBN.

Samantala, kasado na rin daw — ayon kay Eric — ang planong museo in memory of his father.

Sa taon ding ito itatayo ang museum sa Calatagan, Batangas — kung saan naroon ang kanilang property.

— Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here