Manila, Philippines — Sikat na sikat si Archie Alemania online dahil sa kakaiba niyang pagpapamalas ng undying love para sa kanyang asawa.
Sukat ba naman kasing kantahan ng aktor ang misis na si Gee Canlas ng awiting Hindi Kita Malilimutan.
Tulad ng alam ng lahat, ang piyesang pinasikat ni Basil Valdez ay karaniwang kinakanta sa lamay at libing.
Taglay nito ang mensahe ng walang kamatayang pag-ibig sa taong minamahal.
Makikita sa viral video na may tangan na maliit na korona ng patay si Archie — bale ba nitong Valentine’s Day pa.
O, di ba, what a way to celebrate Hearts’ Day?
May nakasabit na ribbon dito na may mensaheng: “Gee, patay na patay ako sa ‘yo!”
This came after Gee declared she’s now a single parent.
Kelan lang nang mahatulan ng guilty verdict si Archie ng Bacoor court dahil sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ni Rita Daniela.
Bunsod ’yon ng insidenteng naganap noong September 2024 pagkatapos ng pa-thanksgiving ni Bea Alonzo sa tagumpay ng Widows’ War, serye sa GMA.