Home ENTERTAINMENT Kris at Ai Ai, nagkaayos na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kris at Ai Ai, nagkaayos na!February 20, 2026 12:252060 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines — Back to being okay na ang relasyon ngayon nina Kris Aquino at Ai Ai de las Alas.Si Ai Ai mismo ang nagsiwalat na nagkaroon sila ni Kris ng pagkakataong makapag-usap after so many years.In her guesting on Fast Talk with Boy Abunda, inalam ng host nito sa Comedy Queen kung kumusta na sila ni Kris.Ani Ai Ai: “Okay kami, nag-usap na kami. Sabi nga, ‘time heals all wounds’.”Dasal nga ni Ai Ai na maging maayos si Kris, who she considers her “friend all the way.”Recently, the comedienne confessed to having sent a text message to Kris.Pero hindi pa raw ito nagre-reply dahil baka iba na ang numero ng telepono nito.She even tried to dodge the topic: “Huwag na nating pag-usapan ’yon.“Sana okay siya. Wala na ’yon. Let’s all move on, past na ’yon!”Samantala, ibinisto ni Cristy Fermin na nagkalamat ang pagkakaibigan nina Kris at Ai Ai dahil kay James Yap.Isinusumbong daw kasi noon ni Kris kay Ai Ai si James — na noong magkabati ang noo’y mag-asawa, tinawagan daw ni James si Ai Ai at pinagmumura.— Ronnie Carrasco III