Manila, Philippines – As we all know by now, winakasan na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang pananahimik tungkol sa paghihiwalay nila ng dating novyong si Sam Milby.
Nangyari ang pag-aming ito sa vlog interview ni Karen Davila.
Ani Catriona, nagbago daw ang takbo ng isip ni Sam months after he made a proposal.
Wari’y hindi pa pala handang mag-asawa ang nobyo–na ikinagulat at ikinadurog ng puso ni Catriona.
Gayunpaman, tinangka ni Cat na ayusin at ipaglaban ang kanilang pag-ibigan–as in she was ready to concede to Sam’s adjustments if any.
Pero as time went on, na-realize daw ni Cat na siya lang ang may gusto niyon: “I really tried to make it work…but it got to a point na hindi ka pa rin sure, I think that’s an answer already!”
Noon din ay napagtanto ni Cat na kailangang isaalang-alang din niya si Sam, bukod sa kanyang sarili: “I did it because I loved the person.
“But at the end of the day, it’s not the relationship that is giving away.”
Ngayo’y tanggap na daw ni Cat ang sinapit ng kanilang relasyon:
“Obviously now, I’m much better!”
Sa kabila ng nangyari, Cat still believes in love: “I’m currently dating.”