Home NATIONWIDE PCG: 75% ng lumubog na MV Trisha Kerstin nagalugad na ng diving...

PCG: 75% ng lumubog na MV Trisha Kerstin nagalugad na ng diving team

152
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 75% ang nagalugad ng technical diving team sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa Baluk-Baluk Island sa Basilan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG Spokesperson, Captain Noemie Cayabyab na kaugnay pa rin ito sa nagpapatuloy na search and rescue at dive operations sa karagatan  kung saan lumubog ang naturang barko.

Batay aniya sa pinakahuling update ay umabot na sa 64 ang kabuuang bilang ng mga nasawi, 293 ang nakaligtas, at 15 indibidwal naman ang nananatiling nawawala at patuloy na hinahanap.

Ipinaliwanag naman ng PCG na ang mga bilang na ito ay nagmula sa pinagsamang nakalap ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives, City Disaster Risk Reduction and Management Office, Coast Guard District Southwestern Mindanao, at mga apektadong pamilya na nakikipag-ugnayan sa mga otoridad upang mahanap ang kanilang mga mahal sa buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here