Home METRO Most wanted sa kasong murder sa Malolos timbog sa Cabanatuan City

Most wanted sa kasong murder sa Malolos timbog sa Cabanatuan City

169
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang Most Wanted Person (MWP) ng Malolos City (City Level) sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa Cabanatuan, City, Nueva Ecija nitong Pebrero 20.

Sa ulat ng Malolos police station, kinilala ang akusado na isang 23 anyos, delivery rider at kasalukuyang naninirirahan sa Brgy. San Gabriel, Malolos.

Ayon sa ulat, isinilbi ang WOA ng tracker team ng istasyon bandang 9:30 ng gabi sa Brgy. San Juan, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nabatid na ang WOA sa kasong murder ay inilabas noong Pebrero 6, 2026 ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 84, City of Malolos na walang inirekomendang piyansa.

Sinasabing naaresto ito matapos ang masusing intelligence monitoring,  koordinasyon ng mga operatiba at ginamitan ng Body-Worn Camera upang matiyak ang transparency at tamang proseso.

Ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at agad dinala sa istasyon ng Malolos para sa wastong disposisyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here