Home NATIONWIDE Pagkakasangkot ng ‘presidential son’ sa road incident itinanggi ng Palasyo

Pagkakasangkot ng ‘presidential son’ sa road incident itinanggi ng Palasyo

189
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Palasyo ang mga report ng umano’y insidente ng road harassment sangkot ang “presidential son” sa North Luzon Expressway nitong Sabado, Pebrero 21.

“There is no such incident involving any presidential son,” sinabi ni Presidential Communications Secretary Dave Gomez.

Kumalat kasi sa social media bandang alas-7 ng gabi ang mga report ng pagharang ng three-vehicle motorcade sa sasakyan lulan ang presidential son.

Ayon sa report, nasa 15 lalaki na mula sa mga sasakyan na rehistrado sa isang munisipalidad sa Bulacan, ang bumaba at kinompronta ang convoy.

Nangyari umano ang harassment matapos na mag-overake ang sasakyan ng presidential son sa Bulacan-registered vehicles na umookupa sa lahat ng tatlong lane ng expressway.

Wala pang kumpirmasyon ang mga awtoridad kaugnay dito ngunit nanindigan ang Palasyo na walang ganitong insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here