MANILA, Philippines – Nanawagan ang ilang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema na maglabas na ng resolusyon hinggil sa mga nakabinbing petisyon ng dating pangulo.
Paliwanag ng grupo na Sara All Confideration, batid naman anila ang nangyayari ngayon sa bansa.
“Alam naman ng lahat ng Filipino ngayon all over the country and even outside the country right now that there is really a game of Justice that was done to the former President Rodrigo Duterte,” ayon pa kay Wendell Martin Cabrera, co-convenor ng grupo.







