Home HOME BANNER STORY 16 lugar makararanas ng ‘nakamamatay’ na damang-init ngayong Nob. 3

16 lugar makararanas ng ‘nakamamatay’ na damang-init ngayong Nob. 3

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng umabot sa “danger” level ang heat index sa 16 lugar sa bansa ngayong Martes, Nobyembre 3, kahit umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, maaaring umabot sa 43°C ang heat index sa Catarman, Northern Samar; Iloilo City; at San Jose, Occidental Mindoro.

Posible namang maitala ang 42°C sa Bacnotan, La Union; Borongan City; Camiling, Tarlac; Cavite City; Cuyo, Palawan; Daet, Camarines Norte; Dipolog City; Legazpi City; Maasin City; Mulanay, Quezon; Roxas City; Siquijor; at Virac, Catanduanes.

Itinuturing na “danger” level ang heat index na nasa 42°C hanggang 51°C, kung saan posible ang heat cramps at heat exhaustion habang maaaring mauwi sa heat stroke ang matagal na pagbabad sa init.

Samantala, nakaaapekto ang Amihan sa Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley na maaaring makaranas ng bahagyang malamig na panahon at isolated light rains.

Mainit at maalinsangan naman sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, habang posible ang thunderstorms sa hapon o gabi, partikular sa Mindanao.

Sinabi rin ng PAGASA na hindi na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang Severe Tropical Storm In-fa at wala itong direktang epekto sa panahon sa bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here