Home HOME BANNER STORY Utang ng Pilipinas umakyat sa P19.66-T sa mahinang piso

Utang ng Pilipinas umakyat sa P19.66-T sa mahinang piso

1
0

MANILA, Philippines – Umakyat sa P19.66 trilyon ang kabuuang utang ng national government sa pagtatapos ng Setyembre 2026, bunsod ng panibagong pangungutang at paghina ng piso.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), nadagdagan ng P53.47 bilyon o 0.27% ang outstanding debt mula sa P19.61 trilyon na naitala noong Agosto.

Mula naman sa P17.71 trilyon noong katapusan ng Disyembre 2025, lumobo na ng P1.95 trilyon o 11.03% ang utang ng gobyerno ngayong taon.

Pinakamalaking bahagi nito ang domestic debt na umabot sa P13.25 trilyon, katumbas ng 67.39% ng kabuuang obligasyon.

Bahagya itong tumaas ng 0.07% mula Agosto dahil sa net issuance ng government securities at valuation increase sa onshore dollar bonds.

Samantala, nasa P6.41 trilyon ang external debt o 32.61% ng kabuuang utang ng bansa, mas mataas ng 0.7% kumpara noong Agosto.

Ayon sa Treasury, malaking dahilan ng pagtaas nito ang paghina ng piso kontra US dollar, na nagdagdag ng P40.12 bilyon sa halaga ng foreign obligations, kasabay ng P9.27 bilyong net loan availments.

Nagsara ang piso sa P62.60 kada US dollar sa pagtatapos ng Setyembre, mula P62.209 noong katapusan ng Agosto.

Mula simula ng 2026, tumaas na ng 9.34% ang domestic debt habang lumobo naman ng 14.67% ang external debt. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here