Home NATIONWIDE Immigration reforms tinalakay ng Senate panel

Immigration reforms tinalakay ng Senate panel

143
0

MANILA, Philippines — Tinalakay ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang mga panukalang reporma para sa Bureau of Immigration (BI) upang palakasin ang ahensya at matugunan ang makabagong hamon sa border control.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, nagsilbing pundasyon ng immigration framework ng bansa ang Philippine Immigration Act of 1940 o Commonwealth Act No. 613, ngunit hindi na ito akma sa kasalukuyang panahon.

“The proposed measure before this honorable committee is therefore not a departure from CA 613 but a necessary and timely modernization of it,” ani Viado.

Sa pagdinig na pinangunahan ni Sen. Francis Pangilinan, sinabi ni Viado na kinahaharap ngayon ng bansa ang mga hamon tulad ng global mobility, transnational crime, cyber fraud, terrorism financing, human trafficking, climate-induced displacement at mas sopistikadong cross-border movements.

Sa kasalukuyan, nakatalaga ang BI sa 13 international ports of entry and exit, ilang sub-ports at border crossing points, at 65 alien control offices sa buong bansa.

Gayunman, 1,818 immigration officers lamang, mahigit 100 intelligence officers, at wala pang 20 fugitive search unit agents ang nagbabantay sa buong kapuluan.

“Hindi na sapat ang isang pre-war na balangkas para sa mga hamon ng makabagong panahon,” ani Pangilinan.

Binigyang-diin naman ni Sen. Raffy Tulfo ang kahalagahan ng maayos at mabilis na data sharing upang mapalakas ang border control.

“Public service, including our work here in the legislative starts with data,” ani Tulfo, kasabay ng pagbanggit sa mga kakulangan sa data cross-matching at sa mas maluwag na regulasyon sa mga pantalan kumpara sa mga paliparan.

Ang Immigration Modernization Bill ay kabilang sa mga prayoridad na panukala ng administrasyon at nasa legislative agenda ng Legislative-Executive Development Advisory Council para sa ika-20 Kongreso. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here