Home NATIONWIDE 14 pasahero nailigtas sa lumubog na motorbanca sa Cavite

14 pasahero nailigtas sa lumubog na motorbanca sa Cavite

152
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 na pasahero matapos lumubog ang Lord John motorbanca (MBCA) dahil sa malalakas na alon sa dagat ng Ternate, Cavite noong Pebrero 22, 2026.

Bandang alas-12 ng tanghali nang makatanggap ang Coast Guard Sub-Station (CGSS) Ternate ng tawag mula sa isang concerned citizen na nag-ulat ng insidente.

Agad namang nagpadala ng response team ang CGSS Ternate sa lugar.

Ang mga kababaihan at bata ang inuna at ligtas na isinakay sa Rescue Boat (RB) 008 papunta sa opisina ng CGSS Ternate, habang ang natitirang mga pasahero ay tinulungan ng isang dumadaang MBCA na nasa lugar.

Dumating din ang mga tauhan mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Ternate at Philippine National Police (PNP) Ternate Municipal Police Station upang magbigay ng suporta.

Nagbigay ng medical assistance at pisikal na pagsusuri ang MDRRMO sa mga nailigtas na pasahero.

Lahat ng 14 na pasahero ay naiulat na ligtas at nasa maayos na kalagayan, walang malubhang pinsala.

Matagumpay ding narekober ng response team ang lumubog na motorbanca. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here