Home NATIONWIDE DOJ: Walang nangyaring filing ng counter-affidavit, mosyon sa kasong plunder vs Estrada,...

DOJ: Walang nangyaring filing ng counter-affidavit, mosyon sa kasong plunder vs Estrada, Bonoan

159
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na walang nangyaring filing ng counter-affidavit at motion for extension kahapon, Pebrero 23 sa Preliminary Investigation (PI) para sa kasong plunder na kinasasangkutan ni Senator Jinggoy Estrada at dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Justice spokesperson Atty. Polo Martinez, pormal na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) ang motion para sa pagsasama ng karagdagang ebidensya.

Binigyan sila ng mga prosecutor ng hanggang Pebrero 26, 2026 upang maibigay sa mga respondents ang mga kopya ng nasabing karagdagang ebidensya.

Sinabi ni Atty. Martinez na kapag naibigay na ang mga kopya ng mga dokumento, may hanggang Marso 9,2026 ang mga respondent upang magsumite ng kanilang mga counter-affidavit.

Sa Marso 9, kailangan namang personal na humarap at manumpa sa harap ng prosecutors ang mga respondents.

Ayon kay Martinez, kabilang sa mosyon ang karagdagang ebidensya mula sa NBI at karagdagang respondents sa plunder case.

Hindi naman pinangalan o tinukoy pa ni Martinez ang mga karagdagang respondents dahil hindi pa aniya sila nasisilbihan ng subpoena. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here