Home NATIONWIDE Consolidated bill sa pagpasa sa marijuana bilang gamot pasado na sa komite...

Consolidated bill sa pagpasa sa marijuana bilang gamot pasado na sa komite ng Kamara

211
0

MANILA, Philippines – Pasado na sa House Committee on Dangerous Drugs at House Committee on Health ang consolidated bill na nagsusulong na gamitin bilang gamot ang marijuana.

Sa isinagawang pagdinig ng dalawang committee na pinamumunuan nina Bukidnon Rep Jonathan Keith Flores at Batanes Rep Ciriaco Gato Jr ay inaprubahan nito ang “compassionate access” sa medical cannabis, ang pagpapalawig sa pananaliksik para sa medicinal properties ng marijuana at pagtatatag ng regulatory framework para sa patient access, authorized use at penalties sa paggamit nito.

Sa kasalukuyang batas sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang cultivation, possession, use, sale, administration, dispensation, delivery, distribution at transportation ng marijuana ay nanatiling krimen.

Ang consolidated bill ay isusumite na sa House Plenary para sa deliberasyon.

Sa oras na maisabatas ay bubuo ng Medical Cannabis Office na isasailalim sa Department of Health, ito ang syang mangangasiwa sa cultivation, manufacturing at distribution ng medical cannabis.

Ang marijuana na gagamitin ay mabibili bilang oil o capsule na maaari lamang mabili ng mga pasyente na may chronic medical conditions at dapat mayroong prescription mula sa DOH-accredited doctors at permiso mula sa Medical Cannabis Compassionate Centers.

Samantala, sinabi ni FPJ Panday Bayanihan Partylist Rep Brian Poe, miyembro ng House Committee on Health, na hindi ipinapasa ng komite ang medical cannabis bill para magbukas sa mga drug lord.

Gayundin ang pahayag ni Leyte Rep Richard Gomez, aniya, right to health ang kanilang ipinaglalaban sa pagpasa sa medical cannabis bill.

Umaasa si Gomez na maipapasa na ang panukala na noon pang 18th Congress naipasa sa Kamara subalit hindi umusad sa Senado.

“Its about time we pass this law,” pagtatapos ni Gomez. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here