Home METRO P3M tobats nasabat sa 2 tulak sa Cavite

P3M tobats nasabat sa 2 tulak sa Cavite

145
0

CAVITE, Philippines – Dalawang hinihinalang tulak na nasa listahan ng High Value Individual ang naaresto at nakuhanan ng mahigit P3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City, Cavite kamakalawa ng hapon.

Sa report Kasong paglabag sa Section 5 at 11 in Rel. To Sec 26B, Artucle II ng RA 9165 ang kinakaharap ng naarestong suspek na si alyas Yolly, 70 at alyas Arnie, 29, kapwa residente ng Bacoor City, Cavite

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-5:01 kamakalawa ng hapon nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng RPDEU 4A na siyang lead unit. Rid 4A, PIU CAVPPO, PDEA 4A at Bacoor Component City Police Station sa parking araw ng isang kilalang pizza parlor sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy Talaba 1, Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska mula kay alyas Yolly ang tinatayang 50.1 gramo ng hininihalang shabu na may Standard Drug Price na P340,000.00 habang tumitimbang naman ng 398 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P2,706,400.00 o kabuuang halaga na P3,047,080.00 at buy bust money. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here