Home METRO Binatang wanted ‘rapist’, kalaboso sa parak sa Bulacan

Binatang wanted ‘rapist’, kalaboso sa parak sa Bulacan

163
0

BULACAN, Philippines – Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang Most Wanted Person (City Level) sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong umaga ng Pebrero 24.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang suspek na isang 27 anyos, binata at residente ng Towerville, Brgy. Minuyan.

Ayon sa ulat, isinilbi ng mga operatiba ng istasyon katuwang ang 301st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 3 ang WOA sa suspek bandang 11:22 ng umaga sa Lower Quarry, Brgy. Minuyan Proper.

Nabatid na ang WOA para sa kasong Rape by Carnal Knowledge (2 counts) ay inisyu ng RTC Branch 5-FC, City of SJDM noong Pebrero 13, 2026 na walang inirekomendang piyansa.

Base sa impormasyon, sinasabing ang kasong rape by carnal knowledge ay tumutukoy sa panggagahasa sa pamamagitan ng pagpasok ng ari ng lalaki sa  ari o “pechay” ng babae.

Agad dinala ang akusado sa kustodiya ng istasyon para sa wastong dokumentasyon bago iharap sa hukuman na naglabas ng kanyang WOA. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here