Home NATIONWIDE 10 pang bus, PUV terminal operators, pinatawag ng LTO sa mga paglabag

10 pang bus, PUV terminal operators, pinatawag ng LTO sa mga paglabag

178
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng show-cause orders (SCOs) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa 10 pang bus at public utility vehicle (PUV) terminal operators sa Pangasinan at La Union dahil sa paglabag sa safety at comfort standards.

Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, isinagawa ang aksyon matapos ang surprise inspection na pinangunahan ni LTFRB regional office Director Cristal Sibayan.

“Ito ay isang patunay na hindi ningas-kugon ang ating operasyon (This proves that our operation isn’t only strong at the beginning). We will continue to conduct operations until all of the terminal operators comply with the basic rights of commuters for a safe and comfortable commuting experience,” ani Mendoza.

Kabilang sa mga paglabag ang kawalan ng bubong, hindi gumaganang comfort rooms, kakulangan ng CCTV at security personnel, at kawalan ng sapat na pasilidad para sa proteksyon ng mga pasahero, kabilang ang senior citizens at persons with disabilities.

Inisyuhan ng SCO ang apat na terminal sa Alaminos at Dagupan City sa Pangasinan, at dalawa naman sa San Fernando City, La Union. Inatasan ang mga operator na magpaliwanag sa pamamagitan ng sulat kung bakit hindi dapat ipasara ang kanilang terminal, at magkakaroon ng hearing para imbestigahan ang mga paglabag.

Sinabi ni Mendoza na karaniwan ang ganitong paglabag sa iba’t ibang rehiyon at nagbabala na dapat sumunod ang mga operator sa pamantayan o haharap sa pagsasara ng operasyon.

“We will put an end to this. What is normal is for these terminal operators to be mindful of the comfort and security of the passengers. They must comply or face closure of operations,” ani Mendoza.

Sa ngayon, mahigit 120 bus at PUV operators na ang nabigyan ng show-cause orders at notices of violations bilang bahagi ng kampanya ng LTFRB laban sa mga unsafe at dilapidated terminals. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here