Manila, Philippines – Ibinisto ng isang gay dentist ang “dark past” ni Alvin Aragon.
Tulad ng nasusubaybayan ng publiko, homophobic o galit ang alumnus ng artista search na Starstruck–tulad ng pakikitungo sa kanyang stepson, na anak ng asawa niyang si Izzy Tirazona.
Ayon kay Dr. Mayki, hindi niya maunawaan ang stand ni Alvin just because maka-Diyos na ang dating self-confessed drug addict.
Kilala daw ng dentista ang dating karelasyon ni Alvin.
Sa katunayan, friend daw niya ito na isang transwoman.
“Hinihingan lang ako ng mga vlog followers ko ng reaksyon sa isyu ni Alvin…hindi ko na babanggitin ang friend kong trans, pero paano sasabihin ni Alvin na galit siya sa bakla, eh, nagkaroon nga siya ng dyowang trans noon?
Naku, huwag na tayong magmalinis!”
Dagdag pa ng trans ding dentista, nakikita daw ni Alvin ang kapintasan ng ibang tao pero ang kanya’y hindi.
“Yaman din lang na nagpi-preach si Alvin, ‘di ba, malinaw na nakasaad sa Bible na nakikita mo ang speck ng sawdust sa mata ng iba, pero ‘yung plank sa mata mo, hindi! Ang bottomline diyan, huwag ka mag-judge para hindi ka rin husgahan!” giit niya.