Home METRO Recruitment scammer, timbog sa entrapment ops sa Parañaque

Recruitment scammer, timbog sa entrapment ops sa Parañaque

148
0

MANILA, Philippines – Sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng District Special Operations Unit ng Southern Police District (DSOU-SPD), nadakip ang isang pinaghihinalaang extortionist at recruitment scammer noong Huwebes ng hapon, Pebrero 26.

Sa report na isinumite ng Parañaque City police kay SPD Director P/Brig. Gen. Randy Arceo, nakilala ang inarestong suspek na si alyas Rosendo, 46.

Sa isinagawang imbestigasyon, dinakip ang suspek ng mga tauhan ng DSOU sa pakikipag-ugnayan sa Parañaque City police bandang alas-4:30 ng hapon sa kahabaan ng Redemptionist Road, Brgy. Baclaran.

Ayon kay Arceo, ikinasa ang operasyon bunsod ng reklamo ng isang biktima hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek tungkol sa pagbebenta ng government service slots na magbibigay ng guaranteed placement kapalit ng pagkuha ng pera bilang konsiderasyon.

Sa ikinasang operasyon, narekober sa posesyon ng suspek ang P1,000 marked money na kasama sa ilang piraso ng boodle money, isang Infinix cellular phone na ginamit sa kanilang transaksyon, at isang kulay berdeng Honda CR-V (WFZ 943).

Nahaharap sa kasong robbery-extortion, estafa na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act (RA 10175), at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) ang suspek sa Parañaque City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here