Home NATIONWIDE Posibleng hawaan ng swine flu sa pagitan ng tao, ibinabala ng Spain...

Posibleng hawaan ng swine flu sa pagitan ng tao, ibinabala ng Spain sa WHO

168
0

BARCELONA, Spain – Iniulat ng Spain sa World Health Organization ang posibleng transmission ng swine flu virus variant A(H1N1)v sa pagitan ng tao, ayon sa health authorities sa Catalonia, nitong Biyernes.

Ayon sa Catalan health department, mababa ang panganib sa populasyon, at ang taong nahawa ay walang sintomas ng trangkaso. Ang mga direktang kontak ay sumailalim sa pagsusuri at walang naiulat na retransmission ng virus.

Batay sa ulat ng El Pais, ang pasyenteng gumaling na ay walang contact sa baboy o pig farms, kaya’t tinukoy ng mga eksperto na ito ay human-to-human transmission.

Binalaan ng ulat na delikado ang virus kung ito ay makakarecombine sa human flu virus, lalo na kung sabay na mahawa ang baboy sa parehong virus.

Noong 2023, iniulat ng Netherlands sa WHO ang isang human infection ng swine influenza A(H1N1)v sa isang adult na walang exposure sa hayop. Ang 2009 swine flu pandemic ay kumalat sa milyon-milyong tao, sanhi ng virus na may genetic material mula sa baboy, ibon, at tao. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here