MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of National Defense nitong Biyernes na nagkaroon sila ng “virtual” na pagpupulong kasama ang mga defense officials ng Southeast Asian nations upang palakasin ang ligtas, secure, at interoperable na komunikasyon sa pagitan ng ASEAN member states.
Ang 3rd Meeting ng ASEAN Direct Communications Infrastructure (ADI) Integrated Project Team (IPT) Phase 2 ay ginanap noong Huwebes. Layunin ng ADI Phase 2 na patibayin ang trusted communication mechanisms para sa routine operations at sa panahon ng krisis o emerhensiya.
Kasama sa pagpupulong ang mga policy at technical representatives mula sa ASEAN member states, ASEAN Secretariat, at bagong miyembro na Timor-Leste. Tinalakay ang Terms of Reference at Technical Specifications, pati na rin ang mga natitirang teknikal at governance considerations.
Ang resulta ng pagpupulong ay magiging batayan para sa in-person 8th ADI Ad Hoc Working Group Meeting na nakatakda sa Abril 2026. Ang ADI ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng ASEAN para mapalakas ang defense cooperation, pagtitiwala, at regional resilience sa pamamagitan ng secure na communication infrastructure. RNT/MND