CAGAYAN, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang P4.46 milyong halaga ng 5,576 reams ng smuggled cigarettes sa isang operasyon sa Cagayan noong Pebrero 26, ayon kay Police Major Sharon Mallillin.
Sa Ugac Norte, Cagayan, naaresto sina alyas Leo at Kian na nagbebenta ng sigarilyong walang graphic health warning.
Samantala, sa Nueva Vizcaya, nahuli sina alyas Tito, 34, at alyas Erton, 46, sa checkpoint sa Busilac, Bayombong.
Nasamsam mula sa kanila ang 450 reams ng smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng P132,000, dalawang bala para sa caliber .45 na baril, at ang sasakyang ginamit sa transportasyon ng kontrabando. RNT/MND