Home TOP STORIES 2.4M OFWs sa Middle East, protektahan

2.4M OFWs sa Middle East, protektahan

143
0
Nananawagan si Senator Mark Villar para sa isang komprehensibong tugon laban sa krisis ng rabies sa bansa sa kanyang privilege speech para sa Rabies Awareness Month. Binigyang-diin ng Senador ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na serbisyong beterinaryo at maayos na pangangasiwa sa mga stray animals upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang rabies-related deaths.

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng matinding pag-aalala si Senador Mark A. Villar para sa kaligtasan at kapakanan ng mahigit 2.4 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Binigyang-diin ng senador ang agarang tungkulin ng pamahalaan na protektahan at masigurong accounted for ang lahat ng Pilipino sa rehiyon, lalo na matapos ang ulat ng pagkasawi ng isang Pilipina na si caregiver Mary Anne Velazquez de Vera.

“Ang tungkulin natin ngayon ay tiyaking ligtas, protektado, at accounted for ang ating mga kababayan sa Middle East. Mas lalong mabigat ang sitwasyon dahil may naitala na pong pagkamatay ng isang Pilipina, si caregiver Mary Anne Velazquez de Vera, na nasawi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin,” pahayag ni Villar.

Nanawagan siya sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na paigtingin ang tulong sa mga OFW, tiyaking nakahanda ang evacuation plans, at gawing agarang accessible ang emergency at repatriation mechanisms sakaling lumala ang sitwasyon sa seguridad.

Binigyang-diin din ni Villar na dapat regular na kumustahin ng mga migrant workers offices ang kalagayan ng mga OFW, suriin ang kanilang kahandaan sa paglikas kung kinakailangan, at ihanda ang reintegration programs para sa mga maaaring mawalan ng trabaho dahil sa krisis.

“Kailangang handa ang gobyerno hindi lamang sa paglikas kundi pati sa pagtulong sa ating mga OFWs na mawawalan ng kabuhayan dahil sa kaguluhan,” dagdag niya.

Tiniyak ng senador sa mga OFW at kanilang pamilya na walang Pilipinong maiiwan sa gitna ng umiigting na tensyon sa rehiyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here