Home HOME BANNER STORY DFA naglabas ng hotlines para sa OFWs sa gitna ng Iran–US tension;...

DFA naglabas ng hotlines para sa OFWs sa gitna ng Iran–US tension; libreng tawag alok ni MVP

167
0

MANILA, Philippines — Naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mga hotline at contact details na maaaring tawagan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang Pilipino sa Gitnang Silangan na apektado ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Ayon sa DFA, layunin ng mga inilabas na contact number na matiyak ang agarang pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong, kabilang ang repatriation, welfare assistance, at iba pang serbisyong konsular, lalo na sa mga lugar na may banta sa seguridad.

Patuloy ding mino-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa rehiyon habang hinihikayat ang mga Pilipino na manatiling kalmado, sumunod sa abiso ng lokal na awtoridad, at agad makipag-ugnayan sa embahada o konsulado sakaling mangailangan ng tulong.

Mga Hotline na Maaaring Tawagan

United Arab Emirates

Abu Dhabi
OFWs: +971 56 270 9157, +971 54 725 8482
Non-OFWs: +971 50 443 8003
OWWA: +971 54 557 2121

Dubai and Northern Emirates
OFWs: +971 56 353 5558
Non-OFWs: +971 56 501 5756
OWWA: +971 50 558 5536

Saudi Arabia

Riyadh
OFWs: +966 56 989 3301
Migrant Workers Office (MWO): +966 50 285 0944

Eastern Region
MWO: +966 56 232 9926

Jeddah / Western Region
MWO: +966 56 981 9720
Assistance to Nationals: +966 55 521 9613

Qatar
WMO hotline: +974 5118 4242, +974 3318 2459

Bahrain
Consular: +973 3995 3235
MWO Assistance to Nationals: +973 3303 5600
OWWA: +973 3725 8755 / +973 6670 5058
WhatsApp: https://bit.ly/PEManamaWhatsAppChannel

Iran
Assistance to Nationals hotline: +989 122 1368 01
Email: [email protected]

Facebook: /PHinIran
Instagram: /phliniran

Iraq
Assistance to Nationals hotline: +964 783 700 5457

Israel
24/7 Emergency hotline (Mobile/WhatsApp/Viber): +972 54 466 1188
Assistance to Nationals hotline: +972 50 911 4017, +972 50 762 2590
OWWA Welfare Office: +972 50 715 6937
Trunk line: +972 3 601 0500

Jordan
MWO: +962 7 8519 1891
OWWA: +962 7 8149 1183
Assistance to Nationals hotline:
+962 7 7907 7775
+962 7 7907 7778
+962 7 7798 8818

Kuwait
Consular: +965 6500 2612
MWO / OWWA Assistance to Nationals: +965 9403 9063, +965 6040 3858, +965 6558 5355
X (Twitter): @PHinKUWAIT

Lebanon
Assistance to Nationals hotline: +70 858 086
MWO: +79 110 729

Oman
Assistance to Nationals hotline: +968 9137 4559
MWO: +968 9355 7931
OWWA: +968 79905211, +968 7965 7754

Syria
Consular: +963 949 155 557
Assistance to Nationals hotline: +963 949 155 567

Samantala, inanunsyo ni PLDT Chairman Manny V. Pangilinan na magbibigay ang PLDT at Smart ng libreng tawag para sa mga Pilipino sa Iran, Israel, Iraq, Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, UAE, at Saudi Arabia.

Sa pamamagitan ng TinBo app na gumagamit ng Smart Virtual Number, maaaring makatawag nang libre sa Pilipinas ang mga OFW sa mga nasabing bansa.

Bukod dito, maaaring tumawag nang walang bayad ang mga subscriber ng PLDT, Smart, at TNT sa Pilipinas sa kanilang mga mahal sa buhay sa Gitnang Silangan hanggang Marso 7, 2026, na maaari pang palawigin depende sa pangangailangan.

Available rin ang Smart crisis hotline (+63288457799) na bukas 24 oras at libre para sa mga nangangailangan ng agarang tulong.

Muling pinaalalahanan ng DMW at DFA ang mga OFW na panatilihing bukas ang komunikasyon sa kanilang employer at embahada, i-update ang kanilang contact details, at maging handa sakaling magpatupad ng evacuation o repatriation program.

Tiniyak naman ng pamahalaan na nakahanda ang mga ahensya nito upang tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa gitna ng lumalalang sitwasyon sa rehiyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here