Home NATIONWIDE Subsidiya sa langis sa PUV drivers, inihahanda na ng DOTr

Subsidiya sa langis sa PUV drivers, inihahanda na ng DOTr

175
0

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Department of Transportation (DOTr) para sa posibleng paglalabas ng fuel subsidy para sa mga operator at driver ng public utility vehicles (PUV) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Middle East.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na nakikipag-ugnayan na ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang ihanda ang mga kinakailangang dokumento.

“What is more interesting right now is we have a fuel subsidy,” pahayag ni Transportation Secretary Banoy Lopez.

“I instructed the road sector to begin preparing the documentation for processing the fuel subsidy, so that if we reach the threshold of 80 dollars per barrel, we will simply proceed with granting the subsidy,” dagdag niya.

Ayon din kay Lopez, pinag-aaralan na ng LTFRB ang mga nakabinbing petisyon para sa pagtaas ng pasahe.

“Even without the current problem in the Middle East, the LTFRB is already studying the possibility of implementing a fare hike. They have a pending petition regarding that,” aniya.

Nakatakdang tumaas ang presyo ng petrolyo ngayong Martes, Marso 3, kung saan ika-10 sunod na linggo ng pagtaas ang diesel.

Hindi pa kabilang sa pinakahuling oil price adjustment ang buong epekto ng sigalot sa Middle East, kaya nagbabala ang mga lider ng industriya ng posibleng “significant” na dagdag-presyo kung magpapatuloy ang labanan na kinasasangkutan ng Estados Unidos, Israel, at Iran.

Lalong tumindi ang tensyon noong huling bahagi ng Pebrero matapos ang pag-atake ng US at Israel sa Iran kaugnay ng matagal nang alitan hinggil sa nuclear program at impluwensya nito sa rehiyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here