Home METRO Naaagnas na fetus umalingasaw sa QC

Naaagnas na fetus umalingasaw sa QC

117
0

MANILA, Philippines – Isang nabubulok na fetus na pinaniniwalaang sinadyang ipalaglag ang natagpuan sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.

Nadiskubre ng mga empleyado ng hotel ang fetus sa loob ng isang styrofoam box dakong alas-2 ng madaling araw ng Linggo matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa mabahong amoy. Nakasilid umano ang kahon sa kisame ng banyo at binuksan lamang nang dumating ang supervisor.

Tumanggi ang supervisor na magbigay ng pahayag dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon ngunit kinumpirmang ipinaalam sa mga opisyal ng barangay ang insidente.

Rumesponde ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Quezon City Police District (QCPD) matapos ireport ang insidente. Ayon sa pulisya, tinatayang anim na buwang gulang ang fetus at pinaniniwalaang sinadyang ipalaglag. Sinusuri na ang CCTV footage upang matukoy ang suspek.

Iniimbestigahan ng National Authority for Child Care (NACC) ang kaso sa ilalim ng mga batas laban sa abortion at child abandonment, at binanggit na kadalasang dulot ng kahirapan ang ganitong mga insidente.

Hanggang Disyembre 2025, nasa 652 abandonadong bata na ang nasagip ng NACC at nasa ilalim ng kanilang pangangalaga. Hinikayat ng ahensya ang mga buntis na nakararanas ng matinding suliranin na lumapit sa NACC para sa tulong sa halip na magpalaglag o mag-abandona ng sanggol. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here