Home HOME BANNER STORY Driver sa hazing death ng maritime student, sumuko

Driver sa hazing death ng maritime student, sumuko

231
0

MANILA, Philippines – Sumuko na sa awtoridad ang driver ng kotse na naghatid sa ospital sa 19-anyos na maritime freshman na nasawi umano sa hazing sa Cavite.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director P/Colonel Ariel Red, nasa kustodiya na ng General Trias Component Police Station ang suspek.

Sa ulat, nagtamo ng mga sugat ang katawan ni Kenneth, estudyante ng PNTC Colleges sa Dasmariñas, na nagpapakitang posibleng dulot ito ng initiation rites.

Noong Linggo, dinala siya ng isang gray sedan sa ospital sa Dasmariñas kasama ang driver at dalawa pang lalaki na nagsabing biktima siya ng hit-and-run. Isinailalim siya sa CPR sa emergency room ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakuhanan sa CCTV ang driver na tangkang tumakas matapos ibaba ang biktima. Ang dalawa niyang kasama na naka-hoodie ay pinapunta muna sa ER ng guwardiya ngunit kalaunan ay nakatakas din. Natagpuan kalaunan ang kotse na abandonado tatlong barangay ang layo mula sa ospital.

Ayon sa pulisya, nagtamo si Kenneth ng matitinding bugbog sa magkabilang hita at iba pang pang-aabuso.

“We saw and verified that this victim, almost his entire thighs had turned black, which is a clear sign that a beating or initiation rites took place. In addition, his private parts, his groin, had chili seeds; they really put chili on his private parts,” ani General Trias Police chief P/Lt. Colonel Bismark Mendoza.

Narekober sa loob ng kotse ang school ID at fraternity uniforms, ngunit tumanggi muna ang Philippine National Police na pangalanan ang mga ito.

Napag-alamang naibenta na umano ang sasakyan ng rehistradong may-ari at muling naipasa sa iba hanggang matukoy ang huling buyer na nagsabing kapatid niya ang gumamit nito. Dito natukoy ang driver at may ideya na rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng dalawa pa niyang kasama.

“Definitely, these names we have are members of the fraternity to which the suspects belong, and most of them are students at that school,” ani Mendoza.

Naniniwala ang pulisya na may iba pang sangkot at maaari silang maharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law na may parusang habambuhay na pagkakakulong.

“To those who have knowledge of what happened, we encourage them to come forward and be man enough to take responsibility for what occurred, or to provide information to bring justice for what happened to this man,” dagdag ni Mendoza.

Samantala, sinabi ng PNTC Colleges na nakikipag-ugnayan na sila sa imbestigasyon at mananagot ang may sala.

“Hazing in any form is strictly prohibited within our institution, as it directly violates our values, endangers lives, and has no place in any educational community. The school will pursue the maximum disciplinary sanctions and legal remedies available against any individual, group, or organization found responsible,” pahayag ng paaralan. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here