Home NATIONWIDE UAE airports bahagyang nagbukas

UAE airports bahagyang nagbukas

179
0

DUBAI, United Arab Emirates – Bahagyang nagbukas muli ang mga paliparan sa United Arab Emirates, na magbibigay-daan sa mahigit 20,000 biyahero—kabilang ang maraming Pilipino—na maituloy ang kanilang biyahe.

Sa Facebook post, inanunsyo ng General Civil Aviation Authority (GCAA) sa Abu Dhabi ang “commencement of exceptional flight operations at UAE airports.”

Ayon sa ahensya, nakabatay ang availability ng flights sa iskedyul na inilabas ng mga airline.

Nagbabala ang GCAA: “The Authority urges passengers, whose flights have been impacted, not to proceed to airports until they have been contacted and notified of their flight timings and details by their respective airlines…to avoid congestion and ensure smooth processing.”

Tinawag naman ng Philippine Consulate General in Dubai na positibong hakbang ang pagbubukas, ngunit dapat pa ring mag-ingat dahil mabilis ang pagbabago ng sitwasyon sa gitna ng tensyon sa pagitan ng US-Israeli forces at Iran.

Sinabi ni Consul General Ambrosio Brian Enciso III na “cautiously optimistic” sila sa pagbabalik ng ilang international flights mula sa Dubai International Airport (DXB).

“We understand that the resumption of flights will depend on the reopening of airspace, the necessary approvals from competent authorities, and the outcome of ongoing safety assessments by relevant aviation and airport authorities,” ani Enciso.

“As the situation is fluid and rapidly evolving, the Consulate General is keeping track of available official advisories and continues to monitor announcements that may affect Filipino nationals in Dubai and the Northern Emirates, particularly, stranded travelers,” dagdag niya.

Pinayuhan niya ang mga pasaherong nakansela, na-delay o na-reschedule ang flights na direktang makipag-ugnayan sa kanilang airline at huwag magtungo sa airport nang walang abiso.

Nauna nang sinabi ni Ferdinand Marcos Jr. na hamon pa rin ang repatriation sa Middle East dahil hindi pa ganap na operational ang maraming paliparan. Sa mahigit 1,000 Pilipinong humiling ng repatriation, 586 ay mula sa Dubai.

Isinara ng UAE ang airspace nito noong Marso 1, 2026 kasunod ng pag-atake ng Iran sa ilang civilian facilities, kabilang ang DXB. Nagpatuloy ang operasyon noong gabi ng Marso 2. Nagbalik-operasyon na rin ang Al Maktoum International Airport (DWC), Zayed International Airport (AUH), at Sharjah International Airport (SHJ).

Samantala, sinabi ng Philippine Airlines (PAL) na kanselado pa ang ilang flights:

Marso 3 (Martes)
PR 685 Doha-Manila
PR 684 Manila-Doha
PR 654/655 Manila-Riyadh-Manila

Marso 4 (Miyerkules)
PR 685 Doha-Manila
PR 684 Manila-Doha
PR 658/659 Manila-Dubai-Manila

Marso 5 (Huwebes)
PR 685 Doha-Manila

Ayon sa PAL, maaaring mag-rebook o magpa-refund ang apektadong pasahero ayon sa kanilang polisiya at dapat suriin ang flight status sa website o opisyal na social media bago magtungo sa airport.

Nagbukas ang UAE airspace sa gitna pa rin ng patuloy na missile at drone attacks ng Iran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here