Home NATIONWIDE Suntay, humingi ng paumanhin sa pahayag ukol sa aktres, ngunit nanindigan sa...

Suntay, humingi ng paumanhin sa pahayag ukol sa aktres, ngunit nanindigan sa ginawang analogy

166
0

MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin si Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay sa mga na-offend ng kanyang pahayag tungkol kay Anne Curtis, ngunit iginiit niyang naninindigan siya sa ginawa niyang analogy.

Ayon kay Suntay, ang kanyang pahayag na may “desires” matapos makita si Curtis sa telebisyon ay kathang-isip lamang at wala itong layuning manakit o maging malisyoso, lalo na ngayong Buwan ng Kababaihan.

“To make it appear offensive was not the intention,” aniya.

Inihalintulad niya ang kanyang “desire” kay Curtis sa dating pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa pagkakabuno kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na parehong nasa imahinasyon lamang at hindi aktwal na ginawa.

Hindi natuwa si San Juan Lone District Rep. Ysabel Maria Zamora at inirekomendang tanggalin ito sa record.

Ipinunto rin ni Suntay na ang layunin ng kanyang halimbawa ay ipakita na ang imahinasyon o pagnanais ay hindi maituturing na impeachable o kriminal na kilos kung walang aktwal na ginawa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here