Home METRO 5 arestado sa ilegal na pangingisda sa Romblon – PCG

5 arestado sa ilegal na pangingisda sa Romblon – PCG

158
0
via Coast Guard District Southern Tagalog

MANILA, Philippines – Limang indibidwal ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa umano’y ilegal na pangingisda gamit ang compressor sa karagatan malapit sa Isabel Island, Banton, Romblon noong Marso 2.

Ayon sa ulat ng PCG na ipinost sa social media nitong Martes, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Banton sa Barangay Libtong matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa ilegal na pangingisda.

Agad na naglunsad ng seaborne patrol ang mga awtoridad, na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek na aktibong gumagamit ng improvised underwater breathing apparatus habang sakay ng hindi rehistradong motor banca.

Ayon sa PCG, ang bangka ay pagmamay-ari ng isang residente ng Barangay Lipata sa Buenavista, Marinduque.

Nakumpiska sa operasyon ang motor banca, makina na may compressor tank, hoses, spearguns, at iba pang gamit sa pangingisda.

Nilabag ng mga suspek ang Municipal Ordinance No. 287, na nagbabawal sa paggamit ng compressor sa pangingisda gamit ang mga sasakyang may gross tonnage na tatlong tonelada pababa.

Dinala ang mga indibidwal sa opisina ng CGSS Banton para sa dokumentasyon at tamang proseso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here