BENGUET, Philippines – Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) sa Mountain Province ang mga kandidato sa Sangguniang Kabataan (SK) na maingat na sagutan ang forms ng maaga upang maiwasan ang invalidation.
Sinabi ni Provincial Election Supervisor John Paul Martin na sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11196, na hindi tatanggapin ang hindi kumpletong certificates of candidacy (COCs).
Ang paghahain ng COC para sa Barangay ay sa Nob.2 habang sa Sept.28 hanggang Oct.5 naman para sa SK.
Kabilang sa mga kinakailangang mga dokumento ang birth certificate na inisyu ng Philippine Statistics Authority o local civil registry bilang patunay na ang aplinate ay nasa edad 18 at 24 sa mismong araw ng botohan; P30 documentary stamp tax na naka-attached sa original copy; at passport-size photo na kuha sa loob ng nakalipas na anim na buwan.
Ang campaign period ay mula Oct.22 Hanggang Oct.31.
Itinakdang ang BSKE sa unang Lunes ng Nob.2026 batay sa Republic Act 12232. Jocelyn Tabangcura-Domenden