MANILA, Philippines – Sa isang forum sa Maynila, tiniyak ni DILG Sec. Jonvic Remulla na may agarang tulong at aksyon para sa repatriation ng mga OFW na naipit sa giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Remulla, siya mismo ang pupunta upang masiguro at mapabilis ang proseso ng pag-uwi ng mga apektadong manggagawa.
Dagdag pa niya, patuloy ding pinapalakas ang seguridad ng bansa sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga mobile patrol, motorsiklo, at paparating na air assets gaya ng drones na bibilhin ng Philippine National Police (PNP).
Sa kabila ng kinakaharap na krisis at inaasahang epekto nito sa suplay ng petroleum products sa mga susunod na linggo, iginiit ng kalihim na hindi magbababa ng bantay ang pamahalaan pagdating sa seguridad ng bansa. Crismon Heramis







