Home NATIONWIDE Pamamahagi ng fuel subsidy, inihahanda ng LTFRB kasunod ng inaasahang sirit-presyo sa...

Pamamahagi ng fuel subsidy, inihahanda ng LTFRB kasunod ng inaasahang sirit-presyo sa petrolyo

173
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga kinakailangang dokumento para sa pamamahagi ng fuel subsidy sa gitna ng inaasahang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.

Ayon kay LTFRB chairman Vigor D. Mendoza II, nakikipag-ugnayan na sila sa Land Bank of the Philippines at sa mga transport operator upang matiyak ang mabilis na distribusyon ng ayuda kapag umabot sa $80 kada bariles ang presyo ng langis sa world market.

“We are already preparing all the documents and coordinating with the transport sector with the goal of fast and smooth distribution of the fuel subsidy once there is a go signal from the national government,” ani Mendoza.

Dagdag pa niya, sinusuri na rin ang listahan ng mga benepisyaryo upang masigurong updated at maiwasan ang problema sa pamamahagi.

Sinabi ni Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez na naglaan ang pamahalaan ng humigit-kumulang P2.5 bilyon para sa fuel subsidy. Inatasan din niya ang road sector na simulan ang dokumentasyon upang maipamahagi agad ang tulong kapag naabot ang $80 threshold.

Ayon sa mga eksperto, maaaring maapektuhan ang global oil trade dahil sa air strikes sa Middle East at pagsasara ng Strait of Hormuz, na pangunahing ruta ng langis. May mga projection na tataas ng hanggang P9 kada litro ang diesel at P4 kada litro ang gasolina sa susunod na linggo.

Kapag naaprubahan, inaasahang sasalo ang fuel subsidy sa epekto ng oil price hike nang mahigit isang buwan.

Samantala, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na kakausapin niya ang Kongreso hinggil sa posibleng suspensyon ng fuel tax kung magpapatuloy ang pabago-bagong presyo ng langis.

Hindi pa naman makumpirma ng LTFRB kung pagbibigyan ang hiling na fare increase ng ilang transport groups. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here