Home NATIONWIDE DILG magsasampa ng kaso vs katiwalian sa BFP

DILG magsasampa ng kaso vs katiwalian sa BFP

149
0

MANILA, Philippines – Magsasampa ng reklamo ang Department of Interior and Local Government (DILG) laban kay Bureau of Fire Protection (BFP) Chief Fire Director Jesus Fernandez dahil umano sa malawakang korupsyon na kinasasangkutan nito.

Sinabi ni Interior secretary Jonvic Remulla sa Kapihan sa Manila Bay, na sasampahan bukasĀ  ng reklamong grave misconduct at graft and corruption si Fernandez.

Bukod sa nasabing opisyal ng BFP, sampahan rin niya ng reklamo ang nasa 50 inidibidwal na sangkot naman sa bid-rigging sa BFP mula noong taong 2021 hanggang 2025.

Paliwanag ni Remulla, lumalabas sa ginawa nilang imbestigasyon na talagamg piangkakitaan ng BFP ang mga negosyante sa pagkuha ng mga permit.

Aniya, ilan rin sa mga fire insprctors na kaniyang kakasuham ay hinaharass ang mga may-ari ng negosyo kung saan sapilitan nila itomg pinagbebentahan ng fire extinguishers.

Sinabi pa ng kalihim na nasa 40 reklamo ang natanggap ng DILG laban sa mga umanoy anomalya sa BFP at 21 dito ay kanila ng idinulov sa Criminal Investigation and Detection Group ng PNP para sa kaukulang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here