Home TOP STORIES Mas matibay na proteksyon sa OFW remittances, isinusulong ni Villar

Mas matibay na proteksyon sa OFW remittances, isinusulong ni Villar

151
0
Isinusulong ni Senator Mark Villar ang OFW Remittance Protection Act upang protektahan ang pinaghirapang kita ng mahigit 10 milyong Pilipino sa abroad. Hangad ng senador na tiyakin ang financial security ng ating mga OFW sa pamamagitan ng pag-regulate sa remittance fees, mas malinaw na foreign exchange rates, at pagbibigay ng sapat na kaalaman sa tamang paghawak ng pera sa mga OFW at kanilang mga pamilya. (Cesar Morales)

Isinusulong ni Senador Mark Villar ang mas matibay na proteksyon sa remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng Senate Bill No. 1917 o ang Overseas Filipino Workers Remittance Protection Act.

Co-author si Villar ng panukalang batas bilang pagkilala sa malaking ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa. Noong 2025, umabot sa rekord na $35.63 bilyon ang remittances, na katumbas ng humigit-kumulang 7.3% ng gross domestic product (GDP) ng Pilipinas.

“Considering this essential economic contribution of OFWs, it is imperative that we guarantee the protection of their hard-earned money, which in turn ensures their financial security,” pahayag ni Villar.

Layunin ng panukala na protektahan ang kinikita ng mahigit 10 milyong Pilipino sa ibang bansa sa pamamagitan ng regulasyon sa remittance fees, pagpapalakas ng consumer protection, pagpapahusay ng transparency sa foreign exchange, at pagmandato ng financial literacy programs para sa mga OFW at kanilang pamilya.

“Sa pamamagitan ng mga programang ito, masisigurado natin na mabibigyang proteksyon ang mga OFW mula sa iba’t-ibang financial scams at maiwasan ang unsound financial decisions at mauwi sa wala ang kanilang mga pinaghirapan,” dagdag ng senador.

Nanawagan din si Villar para sa agarang pagpasa ng panukalang batas, na aniya’y nararapat lamang upang mabigyan ng institusyonal na proteksyon ang mahalagang ambag ng mga OFW sa pag-unlad ng bansa.

“It is only right and just that we institutionalize the protection of OFWs and their remittances, which have been keeping the gears of our national development agenda running,” ani Villar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here