Home TOP STORIES Trump iginiit: Pag-atake ng US depensa sa planong pag-atake ng Iran

Trump iginiit: Pag-atake ng US depensa sa planong pag-atake ng Iran

193
0

WASHINGTON, United States – Inihayag ni U.S. President Donald Trump noong Martes, March 3, na naniniwala siyang plano ng Iran na umatake muna, dahilan sa kanyang desisyon sa pag-atake kasabay ng Israel.

“We were having negotiations with these lunatics, and it was my opinion that they were going to attack first. If we didn’t do it, they were going to attack first. I felt strongly about that.” wika ni Trump sa isang press briefing sa Oval Office nang makipagpulong kay German Chancellor Friedrich Merz.

Ang pahayag ni Trump ay iba sa naunang paliwanag ni Secretary of State Marco Rubio, na nagsabing naglunsad ang U.S. ng atake upang pigilan ang inaasahang paghihiganti ng Iran bilang tugon sa Israeli action.

Idinagdag ni Trump na ang pangunahing layunin ng operasyon ay pigilan ang pag-develop ng Iran ng nuclear weapons at hadlangan ang kanilang long-range ballistic missile program.

Iginiit naman ni Defense Secretary Pete Hegseth na nakatuon lamang ang militar sa pagbawas ng kakayahan ng Iran at hindi sa pagbabago ng rehimen.

Sa kanyang unang mensahe noong nagsimula ang atake, hinikayat ni Trump ang mga sibilyan sa Iran na sakupin ang pamahalaan pagkatapos ng operasyon, sinasabing ito ang kanilang “only chance for generations.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here