Home NATIONWIDE Tapyas-excise tax sa langis, pag-aaralan ng economic team ni PBBM

Tapyas-excise tax sa langis, pag-aaralan ng economic team ni PBBM

153
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na handang makinig si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang economic team kaugnay ng pagnanais na matapyasan ang excise tax sa petroleum products.

Ayon kay Castro, hindi pa napag-uusapan kung magkano ang projection sa nais na excise tax reduction matapos magpahayag ang Pangulo na kakausapin niya ukol dito ang dalawang kapulungan.

Sigurado naman aniya na mapag-uusapan ito ng economic team at ng Punong Ehekutibo, at mula rito ay magkakaroon ng pagpapasiya kung magkano ang ibabawas sa mungkahing tapyas sa excise tax.

Nilinaw naman ni Castro na ang hangarin ng Pangulo na mabigyan siya ng kapangyarihang gawin ang hakbang ay pansamantala lamang.

Sa panahon aniya ng ganitong hidwaan, kailangang may gawin talagang hakbang ang pamahalaan upang makaagapay ang mga kababayan, lalo na kung magkakaroon ng sobrang taas sa presyo ng krudo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here