Home NATIONWIDE UPCAT 2027 itinakda sa Aug. 1-2

UPCAT 2027 itinakda sa Aug. 1-2

213
0

MANILA, Philippines – Binuksan na nitong Marso 3 ang aplikasyon para sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) 2027 para sa mga mag-aaral na nais pumasok sa Academic Year 2027–2028.

Ayon sa University of the Philippines, tatanggap ng aplikasyon hanggang Marso 30 at bukas ito para sa mga kasalukuyang Grade 11 students sa School Year 2025–2026, pati na sa mga Grade 12 students na hindi pa nakakuha ng UPCAT sa mga nakaraang taon.

Kinakailangang sagutan at isumite ng mga aplikante ang Form 1 sa pamamagitan ng online portal na https://upcat2027online.up.edu.ph/ bago o sa Marso 30.

Inatasan naman ang mga school officials na kumpletuhin at kumpirmahin ang student records sa pamamagitan ng Form 2A portal mula Marso 3 hanggang Abril 10 upang matanggap ng mga aplikante ang kanilang test permits sa Hulyo.

Isasagawa ang UPCAT 2027 sa Agosto 1 at 2.

Pinapaalalahanan din ang mga aplikante na bumalik sa portal mula Agosto 3 hanggang 24 upang i-encode ang kanilang grades sa Grade 8, 9, 10, at 11 sa Form 2B portal.

Kailangan din nilang magsumite ng certified true copy ng kanilang SF-10 o Student Permanent Record sa UP Office of Admissions sa UP Diliman sa Quezon City.

Nanatiling pangunahing state university sa bansa ang University of the Philippines at kinilalang top Philippine institution sa 2026 QS Asia University Rankings, kasunod ang Ateneo de Manila University, De La Salle University, at ang University of Santo Tomas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here