Home NATIONWIDE 13 na patay sa baha sa minahan sa Indonesia

13 na patay sa baha sa minahan sa Indonesia

1
0

INDONESIA – Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa pagbaha sa illegal na minahan ng ginto sa Java Island sa Indonesia.

Kasabay nito ay marami pa rin ang mga patuloy na pinaghahanap.

Sa ulat, binaha ang minahan nang umapaw ang kalapit na ilog dahil sa malakas na pag-ulan dahilan para matrap ang mga minero sa loob.

Mayroong 13 manggagawa ang natagpuang patay habang 13 pa ang nawawala hanggang nitong Huwebes, Nobyembre 26, ayon kay local search and rescue chief Desiana Kartika Bahari.

Natrap ang mga manggagawa sa dalawang hukay sa loob ng tatlong araw kasunod ng insidente.

Puspusan naman ang pagbomba sa mga tubig palabas ng hukay ngunit pahirapan dahil sa patuloy na pag-ulan.

“The structure (of the pits) is like a narrow stairs leading down. This makes the evacuation difficult,” ani Desiana. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here